by Tanniah Marcelino Navarro
At first, I thought that I wouldn’t make it balancing housework, homeschool and my work online. But the best job of all is being able to partner with my son in learning and in growing. Ang sarap lang pasukin ang mundo niya habang nag-aaral kami. I remember the wonder in Nathan’s eyes when he first learned to read last year. I am so thankful that I got to witness that, and it was truly a proud moment!
My Day
“Nathan, five minutes nalang matatapos na ako magluto tapos magaaral na tayo ha.”
After thirty minutes, mag-aaral na talaga kami ng panganay kong si Nathan. He is 7 years old. Habang binabasahan ko siya ng story sa Bible, ang nasa isip ko ay ang mga kailangan kong bilhin sa palengke, mga damit sa labahan na ga-bundok, madaming hugasing naiwan sa lababo, naamoy ko pa ang CR na kailangan ding linisin, sabay nadinig ko ang potpot ng basurero na isang beses lang sa isang lingo kung mangolekta.
“Anak, saglit lang ha…i-drawing mo muna ang nabasa ko at pagkatapos ay magma-math na tayo.”
Dali-dali kong inipon ang lahat ng basura at tumakbo mula sa third floor hangang sa labas ng bahay.
“Buti umabot! Kung hindi, isang lingo itong basura!”
“Anak, tapos ka na?” tanong ko kay Nathan.
“Mama, malapit na.” sagot naman ni Nathan.
After 5 minutes, tapos na siya.
“Mama, tapos na.” Sabi naman ng three-year-old ko sa CR.
Pagkatapos kong asikasuhin si bunso, itinuloy ko na ang math lesson namin ni Nathan.
“Okay anak, first question, if a lemon cost 8 cents and an orange 5 cents, how much will both cost?” Habang tinatanong ko ito galing sa arithmetic book niya, naisip ko iyong nag-iisang lemon na binili ko last week. “Gawa kaya ako ng lemon juice or mag-bangus steak kayâ ako bukas. Toyo, lemon at bangus, pwede!”
“Ano, anak? Ano nga sagot mo?” Naalala ko may tinanong pala ako sa kanya.
“Mama, 12 cents.” Sagot naman niya.
“Anak, ulitin mo.”
“Ah, 13 mama.”
“Okay next question.” Sabay iyak ni bunso kasi nasira na ang butterfly origami na ginawa namin kahapon.
This is how I usually multi-task. Nakakaloka hindi ba? Minsan nakaka-overwhelm ang gawaing bahay sabay sa pagho-homeschool at may kasama pang toddler.
My Rest Time
Regalo ko sa sarili ko ang hapon kung saan sila ay natutulog. I would play worship music while I do the chores. Maghuhugas ng pinagkainan ng umagahan, pananghalian at ang pinaglutuan, maglilinis ng CR, aasikasuhin ang labada. Buti na lang at may worship song, gumagaan ang trabaho kapag naka focus kay Lord!
Ayan, alas tres na at makakaupo na ako. Salamat sa Diyos! Makapag kape nga. Ang sarap ng katahimikan at walang demand kahit saglit lang.
One Gaze
As I look back today, I wonder if what I did for my sons were enough. Kung tama ba ang desisyon kong i-homeschool ang anak ko at kung may natututunan ba sila sa akin. It is very tempting to look at other people’s Facebook post and have a pity party. But then I caught my gaze on my very first picture with Nathan when he was born. Tingnan mo nga naman oh, pagka silang na pagka silang palang nagkaron na kami ng eye-to-eye contact. I remember very well the first words I told him, ni hindi ko man lang ininda yung sakit ng kapanganakan niya, “You are so adorable.” I also remember saying, “Lord, amazing ka talaga. I never thought I could love someone more than I could love myself.” Alam ko na yung pagmamahal na iyon ay galing din sa Kanya. Kasabay ng pagsilang niya ay siya ding pagsilang ng puso kong puno ng pagmamahal na laan sa kanya.
Sabi sa verse ng James 1:17, “Every good and perfect gift is from above.” at sa Proverbs 10:22, “The blessing of the LORD makes one rich, and He adds no sorrow with it.”
Naging comfort ito sa akin. Naging assurance ang pangako na ang mga anak ko ay regalo ng Panginoon at lahat ng kakailanganin nila ay ibinigay na Niya.
To You, Mamas
Be kind to yourself. God has planted that love, for your child, in your heart and He has already equipped you for every good work. At kasama na ang pag ho-homeschool sa kanila. Our children are unique, and you are the best person who can connect to them. I would like to encourage you to remember the first gaze you had with your child when he was just a babe and never performed or did something for you. Such unconditional love. Homeschool is not just hard work it is heart work.