Kung paulit-ulit kang binubugbog ng asawa mo tapos hindi ka pa minsan inuuwian dahil sa pagsusugal at pambababae, normal siguro na humiwalay ka na lang. Pero paano kung may pito kang anak, buntis sa pangwalo at walang trabaho, kaya mo bang humiwalay sa asawa mo? Ito ang kwento ng buhay ni Lorena Manao, a petite, charming woman in her late 40’s. Let’s read her story.
Lorena, I can’t believe how much you’ve been through. You look so peaceful and happy. Please tell us your story.
Na-meet ko ang naging husband ko when I went to Baguio City to enroll in college. That time naka-petition ako to go to the U.S. kaya bilin ng nanay ko huwag akong mag-aasawa. Actually, Christian na ako noon pero ginagawa ko pa rin ang gusto ko kaya when we fell in love, nagsama kami.
Okay naman siya at mabait noong una pero nang dalawa na ang anak namin, nahuli ko siyang may babae. Dahil dun hiniwalayan ko siya. After a month, sinundo niya ako at nagsama kami ulit, nagka-anak kami ulit. Four years kaming nagsama bago kami nagpakasal kahit ayaw ng nanay ko.
Akala ko maaayos na ang buhay namin after marriage but I was wrong. Naging miserable ang buhay ko. Nambababae siya, nagsusugal, at binubugbog niya kami ng mga bata. Tiniis ko lahat ‘yun hanggang dumating ang time na hindi ko na nakayanan ang ginawa niya. Buntis ako noon sa pangwalo naming anak tapos I found out na buntis din ‘yung babae niya. Halos mabaliw ako sa kakaisip sa nangyari. I decided to leave him.
Actually, it was not an easy decision to make kasi product din ako ng broken family, and I didn’t want my children to experience what I had been through. Besides, I had no work and was 4 months pregnant with my youngest. But before ako nag-decide humiwalay, pinulot ko muna ‘yung conviction ko na kaya ko siyang hiwalayan and I had to do it hangga’t may respeto pa ako sa sarili ko.
When I left him, isinama ko lahat ng mga anak ko. Humingi ako ng tulong sa DSWD. Nag-offer silang ilagay sa housing ‘yung mga anak ko tapos kapag nagka-work ako, puede ko na silang kunin ulit. When my mom learned about this, hindi siya pumayag. She was working in the U.S. that time and she promised to help support my kids. So every month, meron kaming allowance from my mom, but it wasn’t enough. Kahit sinabi niya na humingi ako kung kulang, ayoko namang iasa na lang lahat sa kanya.
Humingi ako ng tulong sa pastor ng isang church na malapit sa amin. When he learned about my situation, he offered to give me financial aid, pero sabi ko kung puede trabaho na lang ang ibigay niya sa akin kahit tagalinis lang. Binigyan naman niya ako ng work. So while pregnant, naglilinis ako ng house nila, naglalaba, namamalantsa, nag-aalaga ng bata, at iba pa. Natuwa naman ‘yung asawa niya kaya binibigyan nya ako more than a day’s salary, and bags of groceries.
Noong time na manganganak na ako, I saw God’s favor sa situation ko kasi nagkataon na bumisita ang kapatid ko na nasa U.S. at siya ang sumagot sa mga gastusin ko sa panganganak. Ang kapatid ko na malapit sa amin nakatira at ang aking ibang anak ang nagtutulong-tulong sa pag-aalaga ng mga bata.
Marami pa akong ginawa to survive, nagbenta ng kung anu-anong products, nag-aral mag-manicure at nagtrabaho sa salon. Nung maliliit pa ang mga anak ko, napagkakasya ko naman ang kinikita ko sa gastusin namin kasi konti pa lang ang needs nila, tapos nanay ko ang nagpapa-aral sa kanila, pero after many years na ganun ng ganun ang buhay namin, dumating ‘yung araw na napagod na ‘ko, para akong mababaliw. Iniladlad ko ‘yung buhok kong mahaba, parang pahiwatig na ayoko na, malaya na ‘ko. Tapos hindi ako naliligo, hindi natutulog. Feeling ko wala na ‘kong purpose, ganun na lang talaga ‘yung life ko. Nawalan ako ng pag-asa. Siguro setback ‘yun ng mga pangyayari sa life ko kasi nakikita ko lumalaki na ‘yung mga bata, ‘yung gastos lumalaki na rin. Hindi ko na alam kung saan kukunin ‘yung kakainin nila. May mga days natutulog kaming gutom. Kung minsan din, sinisisi ako ng mga anak ko kung bakit daw kami umalis sa tatay nila.
That was hard, paano ka naka- recover?
My younger sister encouraged me to join a Bible study group sa isang church. That was in 2004. Nag-join naman ako. The first 3 weeks were the hardest. Hindi ko alam how to open up to my group. Parang they were all living a perfect family life, and I found myself comparing my life with them. ‘Yung iba pa sa group nakaka-intimidate. But when I finally found the courage to share what I had gone through, the group became a haven for me.
Meron kaming required Bible reading na one chapter a day. Everytime babasahin ko ‘yung chapter for the day, parang kinakausap ako ni Lord at nasasagot agad ‘yung mga tanong ko. Natuto akong mag-journal, na-empower ako na humarap sa everyday challenges ng life ko. Naging clear sa akin ang purpose ko sa life.
Through that, the Lord made me realize that, “I was never an accident.” The parents I didn’t want, sila pa rin ang gusto ni Lord maging parents ko. Marami kasi akong sentiments sa kanila. Sinisisi ko sila sa mga nangyari sa akin. Pareho silang teacher at bata pa kami nang magpunta sila sa U.S. para magtrabaho. Akala ko babalik sila agad. I longed to see them. Umabot ng 11 years bago kami nagkita ulit.
Pag-alis ng parents namin, I took care of my siblings. Mga two years pa bago nila kami napadalhan ng suporta dahil hindi pa maayos ang work nila. Para mapakain ko ang mga kapatid ko, nakiusap ako sa school na pinagturuan ng tatay ko to allow me to give guitar lessons to students to earn money at pumayag naman sila. Namasukan din akong katulong sa kamag-anak. Sa loob ng 11 years na wala ang mga magulang ko, ilang beses akong namolestiya. Wala akong masabihan, takot na takot ako. Nasa high school ako noon. I had sleepless nights and I would cry in the middle of the night. After nun nag-drugs ako, nanigarilyo, napariwara dahil naglo-long din ako sa attention at na-influence ng mga kabarkadang anak din ng mga OFWs.
Nasira ang buhay ko and I was putting the blame on my father pero dahil sa pagbabasa ng Bible at sa small group discussions namin, nakita ko na may choices din pala ako at meron ding mga pagkakamali. Napatawad ko ang tatay ko at pati ang sarili ko. Napatawad ko ang mga nagmolestiya sa akin. I also forgave my husband.
Nagtuloy-tuloy na ang pag-a-attend ko sa small group. Doon ko nakilala ang naging best friend ko na tumulong sa aking journey of faith. Nalaman ko na she was once a mistress pero victim lang siya. Because of her, naintindihan ko ang situation ng isang mistress at ‘yun ang reason kaya na-heal rin ‘yung hurts at bitterness ko sa mga naging mistress ng asawa ko. Unti-unti, I learned to release forgiveness towards them, tapos kapag naalala ko ulit ‘yung mga ginawa nila at nasaktan ako ulit, I forgave them again. Later on, I had the chance to meet three of these women at naging close pa kami nung isa. Mahirap gawin ‘yun pero I chose to forgive and be nice to them.
Nag-commit na rin ako sa isang Christian church kung saan naging volunteer teacher ako sa Sunday school. Kabilang ang mga anak ko sa mga tinuturuan ko hanggang mag-high school sila. I taught them early to journal their thoughts and activities. Kapag nasa bahay kami at wala kaming kakainin, I would let them sit around the dining table tapos, I would ask them to draw their prayers para i-divert ‘yung attention nila from food. Hanggang ngayon naalala pa nila ‘yun. Sabi nila, “Di ba, Mama, noon kapag wala tayong pagkain, magjo-journal tayo tapos matutulog lang tayo, paggising natin, meron na tayong pagkain?” Totoong nakakagulat na merong biglang nag-aabot ng food or pera sa amin.
Eventually, I got my kids involved in the process of healing and restoration so sila din unti-unti, they were able to forgive their father and his mistresses. May communication na rin sila with their half brothers and sisters. Ngayon, malalaki na sila, ‘yung iba may trabaho na. Ako naman, may maayos na work din as a receptionist sa isang wellness lounge. Kapag day off ko, I lead a number of Bible studies.
Paano naman ang iyong pangangailangan bilang asawa? Hindi ka ba naghanap ng makakasama ulit?
May mga nanligaw who offered to help me move on and raise my kids pero ayoko na. Unang-una, kasal pa rin kami ng asawa ko kahit hiwalay kami. Pangalawa, hindi ko naging goal na humanap ng lalaking magpapaligaya sa akin, at pangatlo, baka sila pa ang ikapahamak ng mga anak ko.
Ang partner ko lang talaga sa pag-move on at pag-pursue ng better life was my Bible, hanggang ngayon. I read it every day. Kay Lord ako humuhugot ng strength to go on with life every day.