Katrina Bermas has been married to Mariano for 19 years. They have 3 children ages 17, 16, and 7. She tells her story of how God worked and changed her and her family’s life.
Life was not easy for Katrina when she moved to Manila to join her husband, Mariano. He took a job in the city as a security guard to save money so he could process his papers to work abroad. Unfortunately, his plans didn’t work out. When Katrina became pregnant with their first child, she had to live with her husband’s sister so they could save money. It was very hard for Katrina. She felt the burden they imposed on her sister-in-law and she begged her husband to find a room they could rent. Finally, her husband relented.
Katrina says, “Lumipat kami sa isang room sa Cubao. Doon kami tumira hanggang makapanganak ako. Lumipat kami sa mas malaking bahay nang maipanganak ko ‘yung second child namin. Maayos ang pagsasama namin ni Mar. Mabait siya, masipag at may kusa.
“Magkaiba kami ng religion ni Mar. Noong boyfriend ko pa lang siya, nag-share ako sa kanya about my faith in Jesus. Nagalit siya. Sabi niya, “Ano’ng tingin mo sa akin, demonyo?” Sabi ko, “Hindi pero kasi kapag mahal mo ang tao, gusto mo i-share ang magaganda mong experience kay Lord.” Pero hindi siya kumbinsido kaya tumigil na ako. Nag-pray na lang ako na si Lord na ang bahala mag-touch sa heart niya. Bago kami ikinasal, sinabi ni Mar na hindi nya ako pipigilang magpunta sa church ko at sinabi ko rin sa kanya na hindi ko siya pipigilang pumunta sa church niya.
“Sa isang conservative evangelical church ako nagsisimba that time pero pasaway daw ako kasi hindi ako sumusunod sa dress code ‘nung church. Kahit ganun, serious ako sa faith ko. Sinusubukan kong mag-share kay Mar tungkol sa church kahit hindi siya sumasama sa akin.
“After many years, lumipat kami ng tirahan. Nagtayo kami ng tindahan. Nagkaroon ako ng mga friends doon. Naging ugali namin ang maglabas ng upuan at magkwentuhan sa harap ng tindahan. Marami akong naoobserba-han at naririnig tungkol sa buhay ng mga kapitbahay. Ilang beses akong nasangkot sa gulo dahil sa tsismis. Sabi ko raw ganun o ganito. Hiyang-hiya ako sa mga nangyari. Pakiramdam ko pinag-uusapan ako ng lahat. Sobrang nagulo ang isip ko. ‘Yun ang time na may nag-invite sa akin pumunta sa isang church. Actually, naghahanap na din ako noon ng bagong church kaya sumama ako. Narinig ko ‘yung message ng pastor at nagustuhan ko ‘yun. Dun na ako nagsisimba regularly. Maraming binago si Lord sa buhay ko mula noon. Naging active ako sa volunteer works sa church. Hindi na ako nakikipagkwentuhan sa labas. “Yung mga anak ko, sumasama sa akin pero sumasama din sila sa Papa nila at sa kapatid ko na ibang church din ang pinupuntahan.
“Isang araw, madaming tanong ‘yung anak ko tungkol sa mga paniniwala ng ibang church na pinupuntahan nila, pati ako na-confuse noon kaya nag-pray talaga ako kay God na ipakita sa akin ang way para madala ko sila sa church na pinupuntahan ko. Palagi kong niyayaya si Mar na sumama sa akin. Noong pumayag siya, merong kundisyon. Magsisimba muna kami sa church niya, at pagkatapos sa church ko naman. Mga 4-5 years namin ‘yun ginawa. Sabi niya give and take daw kami hanggang siya na mismo ang nagsabing, “Tama na nga itong ginagawa natin, dun na rin ako magsisimba sa church nyo.” Tuwang-tuwa ako. Fifteen years ko ring ipinag-pray ‘yun! Kailangan lang pala talaga magpatuloy sa pag-pray and pag-wait hanggang sa ibigay ang request mo.
“Makalipas ang ilang panahon, kinausap ako ni Mar. Sabi niya kailangan na naming mag-focus sa kabuhayan namin dahil hindi daw palaging ganun ang buhay namin. Every Sunday kasi, sarado ang tindahan dahil nagpupunta kami sa church at dahil din sa volunteer work ko. Naisip ni Mar na mas mabuting magbukas ng store kahit Sunday.
“Seven years ang tanda ng asawa ko sa akin. Masunurin ako sa kanya kasi ayoko ng broken family. Siya rin ayaw ng broken family. When it comes to making decisions, dati nanghihingi ako ng signs pero hindi pala tama. Na-learn ko sa church group discussion na huwag umasa sa sign. Kasi minsan meron kang makikita na sign at akala mo ‘yun na, nun pala meron pa sa kabila at saka kapag sinusunod ko ‘yung sign, parang me mali pa rin. Kung minsan naman inuunahan ko ang Lord sa sagot nya. Kaya ngayon, nagpre-pray na lang ako, nakikinig sa guidance Niya. Alam ko kapag ibinigay ni Lord, may purpose Siya.
“Sumunod ako kay Mar. Sabi ko sa kanya, “Alam mo ba, ‘yung mga hindrances sa pagsamba natin kay Lord, tinatanggal Niya.” Sabi nya naman, “Hindi, bline-bless tayo ni Lord kaya malakas ang kita ng store.” Sabi ko, “Sige kung ganyan ang gusto mo, hindi na ako magsisimba para kasing inaagawan natin ng oras si Lord pero pagdating ng panahon, ikaw ang mananagot kay Lord sa hindi ko pagsimba.” Gusto kong ipakita kay Mar ‘yung resulta ng decision nya. Hindi na rin siya nagpunta sa church.
“Okay naman nung umpisa pero dumating ‘yung time na humina ‘yung store namin at nagsara kami. Nag-uumpisa kami ng ibang negosyo pero nagsasara din. Finally, na-realize ito ni Mar at nag-decide siya na bumalik kami sa church. Masayang-masaya ako noon.
‘Yung times na hindi kami nagpupunta sa church, lagi kaming nagkakasakit. Ngayon okay na kami, smooth na ang takbo ng buhay namin. Kung dati madalas akong nakaistambay sa labas ng bahay ngayon, alam na ng mga kapitbahay ko ang pinagkakaabalahan ko, alam na nila na sa church ako nagpupunta. Meron na din akong mga na-invite na pumunta doon.
“Early this year, nagkaroon kami ng bagong pagsubok. Na-pull out si Mar sa establishment na kung saan matagal na siyang security guard. Ang dahilan, matanda na raw siya at nagpapalit na sila ng empleyado. Naging reliever na lang siya. Nagalit siya sa nangyari at hindi na siya pumasok. Idenemanda nya ang management. Pinayuhan ko siyang mag-resign na lang at huwag na magdemanda pero galit na galit siya kaya itinuloy pa rin niya ang demanda.
“Even through tough times, merong provision si Lord. Nagtinda ako at siya naman ay naghabal-habal. Nag-apply siya sa isang kumpanya na pumi-pick-up ng pasahero gamit ang kanyang motorcycle. Okay naman ang paghahabal-habal niya pero hindi regular ang income. Noon naman niya natutunan na i-appreciate ‘yung konting blessing na natatanggap namin. Nagpre-pray daw talaga siya kung anong dapat nyang gawain dahil puno ng galit ang puso nya tungkol sa ginawa sa kanya ng kanyang kumpanya.
“Nagpre-pray din ako na i-provide ni Lord lahat ng pangangailangan namin. Kung baga, nagpre-pray pa lang ako ngayon kinabukasan nangyayari na tapos sabi ko sa kanya, “Tingnan mo si Lord, gusto ka Niya talaga tulungan, sinasagot Niya agad ‘yung prayer natin.” Ayaw na ayaw kasi ng asawa ko ang nangungutang, lalo na ‘yung hulog-hulugan. Kung minsan hindi maiwasan like nung magkasakit ang anak namin pero sa kapatid ko ako nanghiram at binayaran naman namin agad. Kung minsan walang baon ang mga bata, nagpre-pray ako tapos biglang kakatok sa bahay ang kapatid ko, magbibigay o kaya merong magbabayad ng utang sa akin. Amazing talaga si Lord!
“May mga times din na pinanghihinaan na ng loob si Mar dahil sa takbo ng kaso niya pero may sagot agad si Lord sa pangangailangan nya. Basta tuloy-tuloy lang ang pagpunta namin sa church kahit ano’ng mangyari. Nakikita ko ang pagbabago ni Mar. Nakikita ko siya mag-pray.
Nagbago pati pakikitungo ni Mar sa mga anak namin. Dati parang wala siyang pakiaalam sa mga bata. One Sunday tinamaan siya ng message ng Pastor sa church. Sabi ng Pastor ‘yung mga anak natin, minsan lang sila magiging 5 years old kaya dapat i-treasure natin, kasi pagdating ng panahon, hihiwalay na sila sa atin. Pagkahapunan, sabi ni Mar, “Anak, mag-bonding tayo.” Sabi niya sa akin, “Ngayon ko lang na-feel na hindi ko na sila nakakasama.” Workaholic kasi si Mar at halos hindi na nagde-day off kasi gusto niya laging may pera dahil marami na rin kaming pangangailangan.
Dahil sa mga trials na ‘yun, na-realize ko na sa araw-araw pala hindi ko napapansin, may ginagawa si Lord sa buhay namin. Natutunan ko rin ang maghintay para madala ang pamilya ko sa church. Hindi pala dapat pinipilit or go lang ng go. Unti-unting proseso lang at kailangang maghintay.
Ngayon, nanalo na ang asawa ko sa lower court sa isinampa niyang demanda. Na reinstate rin siya sa trabaho niya. May bagong trabahong iniaalok sa kanya ang ibang kumpanya. Alam ko ipinagpre-pray niya muna ang decision na gagawin niya.