Goodbye, Old Life!

Goodbye, Old Life!

by Graciela Faustino as told to Evelyn Damian

“I hated my Ate kasi favorite siya ng parents ko at well provided siya. Nagseselos ako sa kanya kasi by comparison, matalino siya at walang nami-miss na school activities. Lahat ng tours and field trips, lagi siyang kasama, dapat daw kasi. Ako siguro dalawa o tatlong beses lang naka-join ng ganyan. Ang isa pang napansin ko, ako ‘yung laging inuutusan. Si Ate, hindi kasi sakitin daw siya at mahina,” Graciela Faustino, called Ciela by her friends, tells her story.

“Actually, pareho kami ni Ate na galit sa isa’t-isa. Galit siya sa akin dahil ‘pag nag-aaway kami, I make sure na masasaktan ko siya, kagat, kurot, sampal. Sa isip ko, “O para hindi ako lugi,” parang ‘yun na ang pinambabawi ko.”

I remember a time na nag-away ‘yung barkada namin ni ate, sabunutan kami sa kalsada, sobrang away. Nang malaman ni Mama ‘yun, siyempre, galit na galit siya sa aming dalawa at pinagsabihan na huwag na sasama dun sa mga friends namin. Kapag dalawa naman kami ni Ate na nag-aaway, ako lagi ang pinagsasabihan ni Mama, sasabihin niya, “Ate mo yan e.
Ciela has three sisters but they were not close to each other. They were closer to their own set of friends.

“Hindi ako napalaki kung paano napalaki si Ate,” Ciela continues. “I grew up with my maternal Lola habang si Ate ay kasama nila Mama at Papa. Bata pa lang nagmumura na ako kasi ‘yun ‘yung kinalakihan ko kila Lola. Siguro naging concerned ang parents ko doon kaya kinuha nila ako kay Lola, kaya lang that time, I was like a pot na nahulma na. Ang tawag nga nila sa ‘kin taga-bundok, walang manners, nangunguha ng gamit,” Ciela continues, “so they needed to break that part of me painfully. Binubugbog nila ako at naging normal na ang gamitan ako ng sinturon, walis, sabunot, kurot. Lagi kong naririnig sa kanila na bobo ako, walang alam. There were times na ikinukulong ako ng mga pinsan ko sa banyo, papatayin nila ‘yung ilaw at tatakutin ako.

“Naaalala ko ikinukulong din ako ni Mama sa cabinet tapos katok ako ng katok pero walang nagbubukas. Merong times din na magigising ako na nakatali kasi makulit daw ako. Hindi ko na maalala kung ano’ng mga ginawa ko kung bakit ako pinaparusahan. So kung minsan isinosoli ako sa Lola ko, kukunin ulit tapos isosoli ulit, kukunin, isosoli. That was my childhood life.

“Hindi nakatulong sa akin ang paraan nila ng pagdisiplina. I felt isolated. I felt that I needed to grow up on my own. I rebelled at napabarkada ako. “Noong nasa second year high school na ako, nagka-cutting classes ako at puro sports ang inaatupag. I was trying to live my own life. That time, kay Lola kami ulit nakatira kasama ang ibang relatives namin. Galit sa amin ang mga kaanak ni Lola dahil para sa kanila, pangdagdag lang kami sa gastos. Sinasabihan nila kami na pabigat, at mga walang kwenta.

“Ganun lang ang takbo ng buhay namin until merong isang Pastor na nakilala si Lola. Nagpupunta siya sa bahay ni Lola para mag-Bible study. Since doon naman kami nakatira, kailangan kami mag-attend. Kami naman kunwari, tanggap kami, Amen, pero wala talagang tumitimo sa isip namin kasi devoted kami sa aming religion. Then nagkaroon ng youth camp. May nag-sponsor sa amin ni Ate para kami maka-attend dun sa camp. It was December, 2007 at doon na nagsimulang magbago ang lahat sa buhay namin ni Ate.

“Sa youth camp, first night pa lang, naiiyak na ko. Pero syempre hindi ko nakasanayan na nasa simbahan tapos umiiyak. Hindi kasi ako lumaki sa simbahan na may iyakan. Nakita ko sa youth camp ‘yung mga kabataan, nagluluhuran kahit hindi naman sinasabing lumuhod. Coming from a different religious background, ‘pag sinabing lumuhod ka, dun ka lang dapat luluhod at hindi rin naman nagtataas ng kamay dun. I thought, “May mga ganito palang nag-e-exist na mga taong naniniwala sa Diyos tapos nag-iiyakan sila.” That night, the Pastor shared with us how the Lord removed her from darkness tapos dinala siya sa liwanag. So ako nakaka-relate pero that night I told myself, “Solid ako, hindi ako iiyak, ang corny nito.”

“On the second day, hindi pa rin ako bumigay, but on the third day, ‘yung preaching ng Pastor was very personal and relational na. Nakita ko ‘yung dumi ng buhay ko, na I thought normal lang ang mabarkada, nag-i-smoke, umiinom kahit high school pa lang, kung minsan bago pumasok, nakainom na kami. ‘Yun ‘yung life na kinalakihan ko and then at that moment, suddenly it was all about God’s love, na tatanggapin ka Niya kahit makasalanan ka. He will change your life, ganun ang na-feel ko until hindi na ko solid sa dati kong religion. Bumigay na ko, lumuhod na rin ako, iyak na rin ako ng iyak, and I gave my all to Him. Tapos nagpa-participate na ako sa worship, nagsasayaw, nakikinig na ako sa preaching, hinahayaan ko ng maiyak ako. I felt na may freedom na ako talaga.”

Ciela could not contain her joy as she traveled home with her sister. She says, “Pareho kami ni Ate na nabago sa youth camp na ‘yun. Nang pauwi kami, tulala lang ako. Alam mo ‘yung feeling ng na-in love ka for the first time at sinasariwa mo lang ang lahat ng nangyari? Totoo bang nangyari ‘yun. Totoo pala si God, grabe, ganon pala.” Ang saya-saya ko. Goodbye old life na talaga, wala ng galit, wala ng murahan, wala ng inuman, no more cigarettes.

“Pagbalik ko ng school nag-share ako sa mga classmates ko ng experience ko. Nawala sa isip ko ‘yung nakakahiyang mag-share ng Gospel. Ganun ‘yung impact sa akin ng nangyari sa camp. Sabay kami ni Ate naka-encounter kay Lord. Same thing din, nag-share din siya sa classmates niya. Marami kaming na-share-an na nagbigay ng kanilang life kay Lord.

“‘Yun talaga ang turning point ng life namin. Naging closer kami ni Ate sa isa’t-isa. It just happened. Lagi na kaming nag-uusap, nag-she-share ng thoughts, nagdadamayan. Dati rin, hindi kami nakakapag-church dahil ‘pag week-end kailangan naming mag-trabaho kahit high school pa lang kami. But we decided na ‘yung Saturday and Sunday, hindi na kami magta-trabaho kasi pupunta kami sa church. We knew God would provide for our needs. So ‘yun, pareho naman kaming naging scholar hanggang sa nakatapos kami. Si Ate scholar pa rin hanggang sa MA studies niya. Ako rin nasa second semester na ng MA studies ko. God is really good.

“Noong una, hindi nagustuhan ni Mama ang pagbabago namin ng religion but later on, nakita niya kung paano kami inaangat ni Lord sa life namin. ‘Yung dati na wala talaga kaming makain, tapos ngayon meron na. Si Ate nasa college pa lang, siya na ‘yung nagbabayad ng rent ng bahay namin so na-amaze si Mama.

“Kung dati na feeling ng mga relatives namin pabigat kami, binago ni Lord ang kalagayan namin. Ang sarap ng feeling na alam namin na it was God who made these things happen. Currently, nagtatrabaho ako as editor sa isang tutorial company na nagde-develop ng work books for tutorship. At the same time, nag-aaral ako sa Asian Theological Seminary, taking up MA in Pastoral Counseling. I am also a youth pastor of Church So Blessed.

“May mga pagsubok pa rin sa buhay ko like, recently, nagkaroon ako ng bouts of depression, but I saw how my family stood by me at kahit na-depressed ako, it never crossed my mind to turn back from my faith. Talagang ang naka-set lang sa utak ko kailangan ko si God. I know He is faithful and He will see me through my situation and He did!

“My family joined us in our faith. If God did not step in our life, we wouldn’t have a changed and restored relationship. But He healed the wounds in our heart and brought us hope, peace and joy. Now, we love and care for each other like never before. There are still a lot to learn but I know nandiyan lagi si Lord. Our God is amazing!”

Comments

comments