“Saan Papunta ang Life Ko?”

“Saan Papunta ang Life Ko?”

The story of Ronnie Ventayen as told to Evelyn G. Damian

After his unsuccessful suicide attempts, Ronnie Ventayen in his desperation, posted this question on his Facebook page. Let’s read his story and find out where this post led him.

“Ang buhay ko dati ay base sa nararamdaman ko. Feeling ko noon babae ako kaya lahat ng ginagawa ng babae, ‘yun ang ginagawa ko. Sinusunod ko kung ano ang gusto ng laman ko. Wala akong pakialam if it’s wrong.” Ito ang pahayag ni Ronnie Ventayen.

Ronnie Ventayen was the third child in a brood of 7. Their father was a security guard but he hardly had money to support his family. Ronnie says, “Sa isang linggo, minsan lang siya umuuwi. Kung minsan walang sahod, nag-iinom at nambababae pa.” Their mother had to engage in illegal activities to augment their income but later on, she became a drug addict so their father left them.

Ronnie recalls, “Nagkawatak-watak kami. Ang ate kong panganay ay napi-litang mag-asawa para makaiwas sa kapahamakan dahil napabarkada ang nanay ko at marami siyang pinapapuntang lalaki sa bahay namin. Ang pangalawang babae ay ibinenta naman niya. Iniwan din kami ng nanay ko at sumama siya sa lalaking addict din.”

“Nakita ko ang kapatid ko na kumakain na ng panis na kanin at naiyak talaga ako. Ang pangarap ko lang noon ay maiahon sa hirap ang pamilya ko,” Ronnie continues. I was seven years old. Ang edad ng mga kapatid ko, 5, 4, 2 kaya ako ang gumagawa ng paraan para kami kumain. Sa umaga ay naghuhugas ako ng mga pinggan sa karinderia tapos ang mga left-over food ay iniuuwi ko sa mga kapatid ko. Nag-iigib din ako ng tubig. Sa tanghali naman, nagbobote-bakal ako, tapos sa gabi, basurero. Naranasan ko ‘yung dinadakot ko ‘yung mga basura ng kamay ko. Eventually, nagkatotoo ang pangarap ko pero hindi ganoon kadali kasi habang inaabot ko ang pangarap na ‘yun, dun din nagsimula ang pagkalulong ko sa immorality, homosexuality at Cybersex.”

After a couple of years, Ronnie’s father came to take them to the province to live with their grandfather. He says, “Pinupuntahan kami ng father ko doon once a month pero nandoon ang takot ko na kapag hindi siya dumating, wala kaming kakainin. Kung minsan isang pack lang ng noodles ang pinaghahatian naming magkakapatid. Nang hindi na nakakauwi ang father ko, nagbenta ako ng isda o kumukuha ako ng mga suso at kabibe tapos ibinebenta ko para maging bigas at mapakain ko ang mga kapatid ko.

“Nang dalhin kami ng father ko sa probinsiya, nangarap ako ng magandang buhay, ng mga taong magmamahal at mag-aalaga sa amin pero hindi ‘yun ang nangyari. Mas naging worse ang buhay namin doon. Walang pakialam sa amin ang mga kamag-anak namin. Namolestiya kami ng paulit-ulit ng taong akala ko magmamahal sa amin. Hindi kami nagsumbong agad kasi natakot kami.

“Nasa Grade 1 na ang sister ko nang magsumbong siya about the abuse and our relative was imprisoned. Itinakwil kami ng mga kamag-anak namin, pati father namin nagalit sa amin.

“So at an early age, nakaharap na ako sa abogado dahil sa kasong’yun. Sobrang hirap! ‘Yung dalawa kong kapatid ay kinuha ng DSWD, ‘yung bunso, isinama ng mother ko. Ako ang natirang mag-isa. Nakitira ako sa ibang bahay. I worked for them na walang sahod, taga-laba, taga-igib, tapos sinasaktan pa.

“I was about 10 years old nang maospital ang tatay ko. May sakit na pala siya kaya hindi siya umuuwi sa amin. Bago siya namatay, nakipag-reconcile siya sa amin, nag-sorry. Mas inisip niya kasi ang kahihiyan kaysa sa amin. Noong nasa hospital pa siya, ako ang nag-solicit ng tulong para sa mga gamot niya, hanggang sa mamatay siya. We were banned sa burol dahil sa pagpapakulong namin sa nagmolestiya sa amin.

“Noong 2002, kinuha kami ng ate kong panganay. That time, nakakapunta na siya sa Japan to work. Hindi man ako nakapag-aral agad pagbalik sa Manila, naka-graduate din ako sa high school at the age of 21. Nang mag-stop si Ate sa pagpunta sa Japan noong 2008, balik na naman kami sa hirap.

“Ayoko ng bumalik sa hirap so lahat ng trabaho, pinasok ko, mabuti man o mali basta makakatulong sa aming pamilya, ginawa ko. Na-expose ako sa maraming bagay, sa Cybersex. Hindi ko inisip na kasalanan ‘yun kasi ang mindset ko that time was wala akong ginagawang masama. Computer lang naman ‘yan, walang mawawala sa akin at wala din akong inaagrabiyadong tao. Nagtatrabaho ako ng maayos at ibinibigay ko kung ano’ng gusto ng mga customers ko. Ang alam ko ay mabuting tao ako dahil napapakain ko ang pamilya ko at naibibigay ko ang gusto nila.

“Besides being able to support my family, I had a boyfriend at 8 years na kaming magkasama, tapos tanggap at mahal ako ng parents niya so bilang isang bakla, masayang-masaya ako.”

But Ronnie’s happy world began to crumble when he found out that his boyfriend was having a relationship with a girl. Ronnie continues, “Hiniwalayan nya ako dahil meron na siyang babae. Ang sakit, hindi ko matanggap na iniwan ako ng boyfriend ko. Ibinigay ko sa kanya ang lahat, tapos niloko nya ako. Doon nag-start na sirain ko ang buhay ko. Naglasing ako, nakipag-sex kung kani-kanino, gumamit ng drugs, hanggang na-diagnose ako with severe depression. Dahil nagbago ang hormones ko, siguro nalito na rin ang utak ko. Nag-consult ako sa psychiatrist. I took a lot of pills for my panic attacks pero hindi ako gumagaling, mas nagiging worse pa ang condition ko. Itinatakbo ako sa hospital but they would send me home. Wala daw akong sakit pero may nararamdaman ako. I tried to commit suicide many times. Naglaslas ako, tumalon sa first floor ng bahay namin, uminon ng uminom ng alak, because that time, alam ko na ang pag-asa ko na lang ay kamatayan.

“After ‘nung mga suicide attempts, nag-post ako sa Facebook, “Saan ba papunta ang life ko? Parang paulit-ulit na lang. Magpapakamatay ako, magsa-cybersex, itatakbo sa hospital…paulit-ulit.

“Then someone replied, “Mahal ka ng Diyos at tutulungan ka Niya.” Ang nag-reply na iyon, naalala ko, when I was 8 years old, naka-attend ako sa church nila doon kasama ang dalawa kong friends. I was expecting that God will do something. Nakasuot kami ng dress kaya akala ng Pastor mga babae kami. Sa harapan kami umupo. Ang saya-saya ko, then, during praise & worship, napaiyak ako. Nakapikit ako nang na-feel ko, niyakap ako ni Lord. Ang yakap na iyon ay hindi ko naranasan sa mga nakarelasyon ko o sa family ko. Parang sinabi ni Lord, “Anak, andito na Ako, tutulungan kita.” Tapos, sabi ng Pastor, “If you are tired, this is the right time na isuko mo ang buhay mo kay Lord.” Ang prayer ko pa noon, “Lord, kapag hindi Mo ako tinulungan ngayon, mamamatay na ako.” And God answered my prayer and He helped me. That moment, pinagaling ako ni Lord from my depression. Never na ako naospital, wala na ding gamot, pinagaling ako ni Lord!

“Nagpatuloy ako sa pag-attend sa church. Nag-attend ako ng kanilang 3-day Encounter God Retreat at doon na-feel ko si Lord. Ipinakita Niya sa akin kung bakit ako naging bakla, kung bakit miserable ang buhay ko. Sinabi rin ng Lord sa akin na, “You need to forgive. You have to forgive yourself. You have to set your life free from guilt and anger.” Then I forgave. I released everything na nasa puso ko kaya paglabas ko, para akong lumulutang sa saya. That was the time that I decided na iwanan na ang trabaho ko.

“Nang iwanan ko ang Cybersex, hindi natuwa ang pamilya ko. Baliw daw ako kasi dun ako kumikita. But eventually, pati ang pamilya ko, from my mother to my niece and nephew, ay naka-encounter na kay Lord. Nag-iiyakan kami sa bahay while sharing the word of God during our devotions. Nakita namin na binabago ni Lord ang buhay namin.

“Full-time ako ngayon sa church as a volunteer worker. ‘Yung ibang mga nadala ko sa masama ngayon sa biyaya ng Panginoon ay kasama ko na rin sa church. Ang isa ay naka-graduate na sa college, ‘yung isa naman ay working na at hiniwalayan na rin niya ang nakarelasyon niya.

“Naniniwala ako na kasama ang temptation sa buhay kaya dapat you are watchful, dapat naka-full armor ka palagi. Ephesians 6:11 says, “Put on the full armor of God, so that you can take your stand against the devil’s schemes.” Everything that we do is our choice. Simula nang makakilala ako kay Lord, wala akong palya sa aking devotion. Nabasa ko na ang buong Bible. ‘Yun ang napapalakas sa akin!” pagtatapos ni Ronnie.

Comments

comments