Dream Come True

Dream Come True

by Delsey Garner with Evelyn Damian

Dianne Imson is the owner of a small, cozy café in her hometown. She was the first to use pastillas to decorate the cakes. She appeared in a number of morning television shows and has traveled to different places to train people how to make pastillas cake décoration.
For many years in the past, Dianne worked hard to be successful in the field that she chose, but nothing she did or planned went well. In this article, she shares her journey and the lessons she has learned.

Dianne, tell us your story.

Namulat ako sa well-off na pamumuhay. My parents were in fish trading business. They gave me everything I wanted kasi nag-iisa akong babae at bunso pa sa apat na magkakapatid.They treated me like a princess. Lahat ng attention ay nasa akin but everything changed nang nag-iba ang hanapbuhay ng parents ko. Marami silang mga pautang na hindi na nabayaran. Nawala ang buhay na sagana. Wala na akong yaya, pati mga kasambahay dahil wala na kaming pambayad sa kanila. Ako na ang gumagawa ng mga household chores. I still remember na nagsasaing ako at ang ipinangsisindi ko ng kalan ay listahan ng mga pautang ng mommy at daddy ko na hindi na nasingil. Mga ilang notebooks din iyon. Just imagine ang mga pera na nawala talaga!

Nakapagtapos ako ng pag-aaral dahil sa support ng parents and tita ko. I graduated from college with a degree in Hotel and Restaurant Management. After graduation, I worked in a 5-star hotel in Manila and then I went to work in a 5-star hotel in Singapore. Akala ko maganda itong opportunity. Kailangan ko ‘yun for my family pero iba ang nangyari.

Pagdating sa Singapore, nagbago ang buhay ko. Dito sa Pilipinas, active ako sa church. I read the Bible everyday and I was a worship leader. Doon, attender na lang ako sa church at nag-iba ang lifestyle ko. I worked as a bartender. Natuto akong uminom. Every night, I would go home na lasing, nahihilo at nagsusuka, and got involved in a wrong relationship.

Malaki ang sahod ko sa hotel, pero ang cost of living dun ay napakataas din so dun lang napunta ang salary ko. At some point, na-realize ko na hindi ito nakakatulong sa akin pero nandun na ako at ayokong umuwi na failure, besides I had a contract with the hotel.

Nang malapit na mag-expire ang working permit ko, I applied for a job in other hotels. Pasado naman ako but the Ministry of Manpower didn’t give me a new work permit kasi hindi daw well recognized ang school ko. That time, I felt discrimination and rejection. Sobra akong na-depress pero hindi pa rin ako bumalik ng Pilipinas. I was still hoping na makakahanap pa ako ng magandang career doon pero hanggang nag-expire na ang work permit ko at illegal alien na ang status ko, hindi pa din ako nabigyan ng another working permit so bumalik na lang ako sa Pilipinas.

What challenges did you encounter nang umuwi ka?

I felt na naging obstruction ‘yung job abroad sa plano ni Lord for me. Hindi ako agad nakabalik sa church namin, parang nahihiya ako. Nag-try muna akong maghanap ng trabaho para ma-cover up ‘yung failure ko working abroad. I worked as a supervisor pero ang sahod ko ay napunta lang sa pamasahe. That time, nag-break din kami ng boyfriend ko kaya na-depress ako. Wala na nga akong trabaho, tapos wala pa akong love life. I was prescribed anti-depressant pills for months and then I met a guy na akala ko siya na ang bigay ng Lord. Siyempre naglo-long ako ng love… ng care. Tinanggap niya ako kahit na may depression ako at magkasama kaming nag-put up ng small business sa sidewalk. Hindi ‘yun madali kasi pinagtatawanan ako ng mga ka-batch ko. “Nagtitinda na lang sa bangketa si Dianne.” Biro mo, before nagtratrabaho ako sa 5-star hotel, ang naging ending ko nagtitinda ng ukay-ukay sa kalye, ng kwek-kwek, tokwa, barbecue, buco, nakapwesto kami sa gutter. Eventually, nauwi sa mali ang relationship namin at nagkaroon kami ng anak pero naghiwalay din kami. After that, nag-decide akong mag-focus sa church kasi in pain na ako pagdating sa career, emotions at spiritual. Hindi na ako naging productive.

Nang nagkahiwalay na kami ng tatay ng anak ko, pinursue ko yung business. I gave up my plan to go abroad. Nag-start ako ng small business. When I was in Singapore, na-inspire ako ng chef doon who was making edible flowers using chocolate molds. So what I did dito sa atin, nag-decorate ako ng mga cakes gamit naman ang simpleng pastillas na ibinebenta ko dati sa bangketa. Self-taught lang iyon at binabali ko pa noon ‘yung kutsara para may panghiwa ako sa pastillas kasi wala akong cutter. Kamay lang ang gamit ko in molding it into a flower. Sa kaka-practice ay nadevelop ‘yun hanggang na-discover ako sa baking industry sa art ko na iyon at ilang beses akong nai-feature sa TV. Na-invite ako sa iba’t ibang lugar sa bansa natin to teach this art at dun nag-start ang financial breakthrough ko. Nakaipon ako at naipatayo ko itong café.

When I gave up my plans and dreams and went back to serving the Lord, hindi ko alam na tinutupad na pala Niya ang mga pangarap ko. Nagulat na lang ako isang araw, andito na itong café. Mas higher pala ang plans ng Lord for me. Ang gusto pala Niya ay maging owner ako, maging boss.

What lessons did you learn from your experiences?

Those times na I made mistakes or had wrong relationships, wala akong kapayapaan. I’ve learned na kapag nasa wrong relationship ako, bumabagsak ang career ko pati na paglilingkod ko sa Lord. Noong minsan pati ‘yung mga kabataan na dinadala ko sa Lord nawala. How could I mentor them kung ako mismo nasa sin? Siguro consequence rin na naapektuhan ang finances ko. Akala ko nga when I let go of my wrong relationship, agad-agad babalik ang favor pero hindi. I know merong itinuturo sa akin si Lord. Despite that, naramdaman ko naman ang pagiging forgiving and merciful Niya, na kahit na sumuway tayo, when we acknowledge our sins and repent, gumagawa Siya ng panibagong ruta para makabalik tayo doon sa original destiny na inihanda Niya para sa atin.
Sa sitwasyon na walang-wala na ako, tinuruan ako ng Lord mag-respond ng tama. Kahit nagkagipit-gipit ako, inihinto ko ang pangungutang. Bakit? Una, gusto kong maranasan ‘yung himala ng Lord. Sabi ko, “Lord, ayoko nang mangutang. I want to experience your way.” Kasi ang pangungutang, sa karanasan ko, hindi ako naiahon nyan instead lalo pa akong ibinaon. For me, a miracle happened already, ‘yung change of heart ko at ‘yung transformation ng aking mindset.

What will you tell mothers who are struggling to get the pieces of their life together?

Kung single mom ka, masakit na maiwan ng partner mo pero ‘yung love na hinahanap mo ay huwag mo sa tao hanapin. Si Lord lang ang makapagbibigay nun sa’yo, bubuuin ka ni Lord. Our perfect time is going to come. Dati ay hindi ganoon ang mindset ko pero ngayon ipinagkatiwala ko na ang buhay naming mag-ina, even my love life, to the Lord. Every time na nakakaramdam ako ng doubt, I just go back to prayer and to the Word of God. I realized that my identity comes only from our Creator, not from people or the things around me. Let God be the Author of our Love Story, He will give us His Best.

Pagdating sa aking anak, lagi ko siyang kasama sa church and I make sure that everything is balanced sa pamilya, sa business at sa ministry ko. Tinuruan ako ni Lord ayusin ang lahat.

Do you consider yourself a generous person?

Si Lord ay naging generous sa mga tao, mabuti man sila o hindi, kaya I feel I have to be generous din sa kapwa, mabuti man sila sa akin o hindi. In our church, I am faithful in giving, so noong panahon na wala ako at nang nagkaroon ako, ganoon pa din ang puso ko. Ang naiiba lang ay ang amount na ibinibigay ko.

Generosity does not only mean giving gifts, money, etc., but the best thing we could give specially this Christmas season is forgiveness to those who have hurt us, even if they never asked for it, mag release lang tayo lagi ng pagmamahal at pagpapatawad, for Christ our Lord symbolizes love and forgiveness.

Comments

comments