(Jay-R & Mother)
Tell us something about yourself.
Mommy: Taga Ormoc, Leyte ako pero edad 9 pa lang, dahil sa hirap ng buhay, sumama ako sa tiyahin ko para mamasukan sa Maynila. Dito na ako nakapag-asawa at nagkaroon kami ng apat na anak. Taong 1984 ng niyaya akong mag-Bible study ng aking boss noon na missionary at isang araw, tinanggap ko si Hesucristo sa aking buhay.
Mula noon, nag-iba ang takbo ng aking buhay. Pati yung timing na nawalan ng trabaho ang asawa ko, si Herman, doon naman siya naimbitahan sa Bible study at noon niya ibinigay ang buhay niya kay Hesus. Noong pauwi na kami, nangako siya na hindi na siya babalik sa buhay niya na puro bisyo. Tapos nagkaroon siya ulit ng trabaho bilang driver. Iba talaga mag-ayos ng buhay si Lord!
Jay-R: Very strong ang faith ng tatay ko kay God. Nag-open kami ng Bible study sa bahay. We invited our neighbors, pati mga bata.
Mommy: Merong mga nagagalit at me nagsabi pa na wala daw karapatan ang asawa ko na mangaral dahil dayo lang siya at dating manginginom. Sa isang pagtitipon, dumating ang oras na nakakilala rin ang taong ‘yon kay Hesus. Mula noon, maaga pa lang ay sinasabihan na niya ang mga kapitbahay namin na, “Makinig kayo kay Herman. Tama ang sinasabi niya.”
Alam namin na iba kumilos ang Diyos kaya kapag meron kaming mga kamag-anak na galing sa probinsiya, sa amin sila tumutuloy at dun naming sila nababahagian ng salita ng Diyos.
Paminsan-minsan may pagsubok pero faithful si Lord.
Ano po ‘yung ilan sa mga pagsubok na naranasan ninyo?
Jay-R: Etong April lang, nasunog ang bahay namin and recently, tinamaan naman ng bagyong Glenda ang bahay namin at ng aming mga kamag-anak sa Quezon Province.
Ano po ang initial reaction ninyo noong nasunog ang house ninyo?
Jay-R: Actually, nasunugan na kami dati, noong 2004. I was still in college noon. I can say na ‘yun ‘yung times na medyo rebellious kaming magkakapatid. For me, ‘yun ang wake up call sa amin ng Lord. Dun kami naging serious na magkakapatid sa commitment namin kay Lord. Tingin ko ‘yun ang purpose kaya God allowed our house na masunog. After that, 2005 na kami nakapagpatayo ng bahay. Lots of people helped us build the house as a ministry center. Every floor talaga ginagamit namin sa ministry, para sa Sunday school, sa prayer meeting, worship service.
Mommy: Nanghinayang talaga ako kasi ang dami naming gamit na nasunog pero ang sabi naman ng Diyos, eh, huwag tayong mabahala tsaka sabi Niya ‘yung mga ibon nga daw hindi Niya pinabayaan eh, tayo pa kaya.
Jay-R: So after 10 years, nasunog na naman ang bahay namin. From the first sunog, nakabangon na kami, naka-graduate na kami sa school, may mga trabaho na kaming magkakapatid, nakapag-ipon na ng mga gamit. Nakalimutan na namin ‘yung nangyaring sunog tapos eto na naman, nasunog na naman ang bahay namin.
‘Yung 2004 na sunog, alam ko the Lord allowed it para magbalik-loo kami sa Kanya. But this one, hindi ko alam kung anong dahilan ng Panginoon, parang mas mabigat for us as a family, kasi confident ka eh, na this place is safe. DIto nagtitipon ‘yung “church”, tapos isang iglap nasunog. Nag-alala din kami sa iisipin ng mga tao, ah, house of God ‘yan, bakit nasunog lang ng ganyan.
Nung una, medyo positive pa ako eh. Makakabangon din kami. Kaya natin yan. Madami ng nangyari sa family natin these past few years. Sunog lang ‘yan. Nag-sink in lang talaga sa akin ‘nung sinabi ng tatay ko na nanghihinayang siya sa nangyari kasi halos siya lahat ang gumawa nung bahay, nagkanpintero, pati mga cabinets, mga kama, ganun. For me, ang bigat sa puso na marinig mo ‘yun sa tatay mo. More than the house, ‘yung sentimental value since siya mismo ang gumawa ‘nun.
‘Yung recent na sunog, lahat din ng gamit ng church katulad ng projector, mga computer, lahat nasunog so mas nakakapanghinayang talaga kasi back to zero ka na naman. Hindi mo alam kung anong nangyari, saan patungo, saan ka dadalhin ng Panginoon. My younger brother is the pastor of the church. Gumagawa rin siya ng evangelism materials. After nagkasunog, parang gusto na niya mag-quit sa gawain. Lahat kami, pati mga parents namin, parang walang kayang mag-encourage sa kanya na magiging maayos ulit kasi sobrang down din kami.
I remember when I went to work three days after the sunog, akala ko kaya ko na magtrabaho. Hindi pa pala kasi parang dun pa lang nag-sink in na totoo palang wala na kaming bahay.
Nakita ko sa parents ko, my mom, she was also sad but still, she didn’t cry. Nakikita ko lang mabigat sa kanya ‘yung pinagdadaanan namin as a family. Wala kaming nai-save na mga gamit, mga damit lang. Kahit ganun, sinabi nila, ina-upgrade lang tayo ng Lord.
Mommy: Iiyak ka talaga kasi siyempre ilang taon bago namin naipundar ‘yung mga gamit tapos nasunog. Siyempre sa umpisa, mag-aalala ka pero maaalala mo naman ‘yung pangako ni Lord na hindi ka Niya pababayaan, hindi ka iiwan.
Hindi ba kayo nagtampo kay Lord?
Mommy: Hindi ko inisip magtampo kay Lord kasi ang dami ng tinugon ng Lord sa aming buhay, ito pa kaya ang hindi Niya matutugunan? Alam ko may purpose si Lord kaya nangyari ‘yun. Marami na Siyang ginawang pagbabago sa buhay namin. Dati nga walang-wala kami, kahit tirahan nga wala eh, tapos ang Panginoon ang nag-provide. Pag nakita ko nga lang ‘yung mga semento eh, sabi ko, aba ang laki talaga ng ginawa ng Diyos sa buhay namin! Biruin mo namasukan kami ni Herman noon, ang hirap ‘nun. Ang nakikita ko, ibang-iba ang ginawa ng Panginoon sa buhay namin. Ayaw na ayaw din namin na magkautang kahit inaalok kami ng mga tindahan ng mga kapitbahay. Kung ano lang ang ibigay ni Lord, ‘yun lang ang gagastusin namin.
Kaya lam kong kaya ng Lord ayusin ‘yun. Natutunan ko mula ng maging Christian na kami, ‘pag meron kang pangangailangan, sa Panginoon mo na talaga dapat hihilingin. Kasi dati, didiskarte ka eh. Didiskarte ng didiskarte pero wala pa rin. Hindi pala ganun. Awa ng Diyos, hindi talaga Niya kami pinabayaan. Laging may pagkain, ‘yung mga anak namin, nakapagtapos sila lahat ng pag-aaral.
Paano kayo bumangon? Ano ‘yung nakatulong sa inyo to go on everyday?
Jay-R: Our parents were the ones who encouraged us. Actually, malakas ‘yung faith nila na makaka-recover kami. Kung titignan mo, wala naman kaming pangpatayo ng bahay pero makikita mo sa kanila eh may conviction na alam nila the Lord will provide. Ako, alam ko ‘yun pero sa mga panahon na down ka, mahirap intindihin. In reality, tinitimbang mo lahat ng bagay eh. Mahirap siyang intindihin.
Nakakatuwa din ‘yung mga tao kasi nagtitipon pa rin sila sa amin every Sunday. ‘Yung mga kids nagtatanong kung kailan daw magre-resume ‘yung Sunday school. Sabik pa rin silang makarinig ng salita ng Dios. Nakaka-encourage kasi nakikita mo that there’s a big need to continue God’s work in our area.
Ngayon, itinatayo ulit ‘yung bahay naming, mas maayos, mas maganda, mas malaki ‘yung area sa rooftop kasi I can see it is an upgrade from the Lord. Sa lahat ng ito, naramdaman namin na tapat ang Panginoon sa amin.
Marami kayong naging pagsubok at malapit na ang Pasko. How will you celebrate Christmas?
Jay-R: Last year, magpapasko rin when Yolanda hit Leyte where our closest relatives on my mother’s side live pero hindi kami nag-focus sa tragedy. Although merong mga nangyaring ganyan, focus pa rin tayo sa Panginoon at sa ginawa Niya para sa atin.
Ngayon, binagyo naman ‘yung bahay namin sa Quezon Province. Napaisip din ako, kami na naman? Wala na bang iba? Pag-inisip mo lahat ng nangyayaring problema sa buhay nyo, baka mabaliw ka lang pero pag inisip mo “God is our Refuge”, makakayanan mo.
Mommy: Sa Quezon Province kami nagse-celebrate. Iniimbitahan namin ‘yung mga kamag-anak ni Herman para sa konting handaan tapos ‘yung anak kong pastor ang nagbibigay ng mensahe. May gift giving, kahit lang nga balde ang pang-exchange gift mo, masaya na sila.
Jay-R: Christmas this year will be challenging. It has been a tough year for our family. Kung mag-focus ka na ang rason is Jesus Christ, it will all be better. If you look at it that way, that the Lord saved us, the Lord sustained us, then the hope is always there.