Broken Chains: Discovering the Power of God

Broken Chains: Discovering the Power of God

Jean Santos was deeply religious. She grew up in a family that had strong belief in superstitions, and medallions. Because of her past, she pursued acquiring “power.” Would “power” give her happiness and fulfillment? Let’s read her story.

Please tell us your background.

“Lima kaming magkakapatid. Ako ang second to the eldest. At the age of 10, iniwan kami ng nanay ko. Hindi ako nakatapos ng college dahil sa financial problem. ‘Yung time na ‘yun, palasimba ako at nagtuturo ng cathechismo sa simbahan. Nangongolekta ako ng ibat-ibang mga imahen. Kung saan-saan ako nagsisimba. ’Yun ang pagpapakita ko ng pagmamahal sa Diyos.”

Paano ka naging interesado sa mga “power”?

“Natatandaan ko noong twelve years old ako, nagkasakit ang kuya ko na dapat ay for operation. Namamaga ang balakang at legs niya. Sabi ng doctor, something about his kidney raw. Hindi na siya makalakad noon. Pinuntahan siya ng lola ko dahil namatanda raw. Nilagyan ni Lola ng isang malaking bilog na medalyon si Kuya sa ulo at kitang-kita ko, pagbagsak ng medalyon, naging tatlong maliliit na pirasong bilog na medalyon siya pero ewan ko kung may hokus pokus ‘yun. Ibinigay ni Lola ‘yung isa kay kuya para maging panangga raw niya sa engkanto. After that, naghanap kami ng nuno sa punso para mag-alay ng mga pagkain.

“Talagang napakadami ng superstitious belief ng family namin at nang buhay pa ang lola ko, siya ay nanghihilot at nagpapa-anak. Ang lolo ko naman, may hawak na bato ng tagabulag, galing sa nuno niya pero maaga siyang namatay dahil may sakit siya. Si tita ko naman nagtatawas gamit ang kandila.

“So, mula nong bata pa ko, may belief na talaga ako sa mga “power” kasi na-witness ko yun, eh. Tapos nag-seryoso lang ako diyan nang 16 years old na ako. Nagbakasyon ako sa tita ko sa Fort Bonifacio. Meron akong nakilalang sundalo.

“Nagtitinda kami ng pagkain at nakuha nya ‘yung attention ko dahil tinititigan niya ko. Sabi niya “You have power. May third eye ka pero hindi mo alam gamitin, meron kang potential. Meron kang something at eto ang magga-guide sa ‘yo.” Binigyan niya ako ng singsing na may nakasulat na pangalan ng asosasyon at booklet. May Latin words siyang nakasulat. Ewan ko kung anong klaseng papel ‘yun, parang lumang-luma. Sabi niya “Eto iki-keep mo ito sa wallet mo lagi. Tapos basa-basahin mo, kabisaduhin mo. Nakasulat diyan kung alin ang pang-gayuma.”

So naengganyo ka?

“Siyempre! Simula noon, para na akong na-obsessed. Bumili ‘ko ng horoscope book, palmistry, oraculo, pagbasa ng mga panaginip, pinag-aralan ko yun. Mahilig akong magpunta sa bookstore, sa library. Hinahanap ko ‘yung tungkol sa black magic, something about mga power.”

Na-acquire mo naman ba ‘yung power na hinahangad mo?

“Feeling ko naman nung time na ‘yun, effective siya. Nakakahula na ako nun, una sa mga kaibigan. Sabi ko, eto na, kaya lang nakakapraning. Naranasan ko ‘yung parang laging may bumubulong sa akin, naging paranoid ako. Kapag may galit sa akin, parang naririnig ko ‘yung sinasabi niya tungkol sa akin, tapos bigla akong sumasagot, ‘O malay ko.’ ‘Yun pala narinig ko lang sa isip ko. Feeling ko bumukas ‘yung bibig niya.

“One time, ‘yung tatay ko may ibinigay sa aking triangle na medalyon na may mata sa gitna. Sabi niya “Nabingwit ko ‘to, tapos ibinato ko. Nabinggwit ko uli, ibinato ko ulit. Pangatlong bingwit, malaking isda, plapla. Pagdating sa bahay, pagbukas sa isda, ‘yung medalyon pa rin ang laman. Sabi ni tatay, “O, baka may kapangyarihan ito,” dahil alam niyang mahilig nga ako sa meda-medalyon.

“So ginawa ko siyang amulet. After nun, palagi na akong binabangungot, at hindi nakakatulog ng maayos. May mga times din na kapag mabigat ang loob ko at may malaking problema,dun ako napapatingin sa medalyon. Tapos, kung anu-anong nangyayari sa akin na hindi maganda. Napakarami ring thoughts na hindi maganda ang pumapasok sa isip ko kaya tinanggal ko na lang at inilagay sa drawer. Somehow, napunta ‘yun sa lola ko, nakatali sa bewang niya. Nang mamatay siya, sabi ng tatay, “Ibinabalik na naman sa atin ‘yung medalyon.” Sabi ko, “Naku, Tatay binitawan ko na yan. Ayoko sa kanya.”

Noong sinusubukan mong magka-power, ano ba ang gusto mong ma-achieve?

“Gusto kong ma-prove yung sinasabi nilang gift na meron ako. Pangalawa, may feeling of rejection ako. Magulo kasi ang buhay ko noon dahil iniwan kami ng nanay ko at hindi kami binalikan. Nagkaroon siya ng bagong pamilya at sila ang magkakasama, pinapapunta lang kami sa kanila para gawin ang trabahong-bahay. Gusto kong mapansin ako, ‘yung mabigyan ako ng halaga.”

Nagkaroon ka ba ng fulfilment nang matuto kang manghula at kumapit sa medalyon?

“Hindi eh, lalo lang gumulo kaya ‘yung medalyon, itinapon ko na sa ilog pero palagi pa rin akong binabangungot.”

Paano nag-iba ang takbo ng buhay mo?

“Yung anak kong bunso, six years old pa lang siya nun nang isinama siya sa church ng kapatid ko at pamangkin na kasing edad niya. Wala akong tiwalang magpa-alaga ng anak kahit sa kapatid ko kasi sobrang malikot siya at accident prone. Pero nung time na ‘yun, palagay ang loob ko at pinayagan ko siya. Aba, nakabalik at wala namang nangyaring masama sa kanya. Masaya siya pagdating.

“Tapos sabi niya, ‘Mama, sama ka rin.’ Ayaw kong nahihiwalay siya sa akin, so sumama ako. Noong una, pinagbigyan ko lang ‘yung anak ko para may kasama siya. Habang nag-hihintay, nakikinig ako sa preaching. Sa isip-isip ko, sabi ko, “Alam ko na yan.” Noong college days ko kasi maraming mga Christian sa iba’t-ibang church na nag-invite sa akin na mag-attend sa church nila. Nagpupunta naman ako pero hindi ako nagtatagal. Marami akong gustong pasukan noon.

“Sa church na ito, na-caught na ‘yung attention ko. Sabi ko, “aba, masaya!” Tapos naging open kami sa isa’t-isa, nagkaroon kami ng care group sa program nilang Biyaheng Buhay.

“Ang mga kasama ko rin, mga kapatid ko, mga pinsan ko doon sa compound namin. Nagkakasama at nagkaka-iyakan din kami.
“Hindi ako umiiyak. Iba ang dating sa’kin ng pag-iyak. Mas marami akong tawa kaysa iyak. Nahihiya ako at saka matigas ang dibdib ko pero dun sa church napaiyak ako e. Ang sarap pala na hindi ka nahihiyang i-express ‘yung feelings mo.

“Nang magkaroon ng retreat sa church, naging topic ‘yung tungkol sa superstition, tapos itinuro sa amin kung paanong sa pangalan ni Hesus, ay talikuran ang aming mga maling paniniwala.”

So ganoon lang ang ginawa mo, nag-pray? Wala na kayong ibang ginawa?

“Wala na, nag-pray lang. Simula noon, wala na akong masamang panaginip. Nakakatulog na ako ng mahimbing. Nawala na rin ‘yung attraction sa akin ng mga medalyon na ‘yan, pati ang pangongolekta ng imahen, wala na rin.”

So paano mo nilalabanan ang mga negative thoughts, o negative na kapangyarihan?

“Direkta lang, in Jesus’ name, hindi ba? Walang hirap naman, eh. Kung dati marami kaming imahen, laging nagdadasal sa Baclaran, at sa iba’t-ibang church, instantly, nawala lahat ‘yun. Wala namang nagbawal sa akin. Ako na ‘yung naka-realize sa pagbabasa ko ng Bible. Sa kauna-unahang utos pa lang ng Diyos nandun na ‘yun sa Exodus 20.”

Ano ang maipapayo mo sa mga taong nakapaloob pa sa ganoong gawain at naguguluhan?

“Hindi pa huli ang lahat para magbago ng direksyon. Nasa Bible naman ‘yun na kahit gaano kalaki ang ating kasalanan, sa isang pagtanggap at paghingi ng tawad sa Panginoong Diyos, napagbabago Niya ang lahat kapag niloob Niya. Base sa experience ko, walang mabuting idudulot ang mga gawaing hindi itinuro sa atin ng Panginoong Diyos. Hindi tayo tinuruan ng Diyos na manakit ng kapwa o unahin ang ating sarili. Isipin natin, saan patutungo ang paghahangad ng ganitong kapangyarihan at ang pagkakaroon nito?

“Para maalis sila sa ganoong kalagayan, una ay ayusin nila ang relasyon nila sa Panginoong Diyos. Ito ay sa pamamagitan ng pag-amin ng mga kasalanan, pagtanggap sa biyaya ng kaligtasan sa pamamagitan ni HesuCristo, at sa pananampalataya sa Kanya, at pagsunod sa Kaniyang
mga utos.”

Comments

comments