by Evelyn Damian
“Boundaries,” referring to limitations on the influence of other people on our decisions, is not a word that is used often among Filipinos. Most of the time we just think of what we want to do and do it. Our thoughts don’t project what the end result will be. We keep going until we find our life in a mess; we lose, we hurt,we end up miserable, and then we ask ourselves, “Where did I go wrong? How did this happen?”
Robert and Rose Aldave have been married for 20 years. They have 7 children. They started their marriage out right, but they lived with no emotional boundaries. Things started to go wrong when they moved to a new house and Robert chose to hang out with new friends. Their situation left Rose almost hopeless until she met Someone that changed the course of both of their lives.
Starting life together.
Rose: Magkatrabaho kami ni Robert sa isang burger stand. Three years kaming mag-boyfriend bago kami nag-decide na magpakasal noong 1996. Nagkaroon kami agad ng anak. Gusto ng tatay ko sama-sama kami kahit maliit lang ‘yung bahay sa Pasig so nagdesisyon kami ni Robert na magpagawa ng kwarto pero sa Taguig kami tumira.
Robert: Ang pamilya ko ang priority ko. Nagtratrabaho ako sa magagandang kumpanya. Lahat ibinibigay ko sa kanila, naipapasyal ko pa sila.
Rose: Noong November 2000, nagkaroon ng baha sa Taguig kaya napalipat kami sa Pasig. Nakakuha si Robert ng backpay at nag-umpisa kaming mag-business, nagtinda kami ng gulay at pakonti-konting karne. Lumago ang business namin at nagkaroon kami ng maliit na store.
New Environment, New Friends
Robert: Noong una, nakikisama ako dahil hindi ako taga-rito. Hindi ko alam kung papaano sisimulan makipagkaibigan sa kanila. Noong umpisa, inuman hanggang sa may magyaya na sa droga at sumama naman ako. Dun ako nagsimulang magumon sa drugs, mga 14 to 15 years bago ako nag-stop.
Lahat ng kita ko sa pagtra-tricycle ko, ibinibili ko ng drugs imbes na ibigay ko sa pamilya ko. Madalas naming pagtalunan kapag wala akong naiuwi.
Rose: Actually, hindi ko agad nalaman na gumagamit si Robert ng drugs. ‘Yung tindahan namin noon, sobrang lakas. Kahit hindi na ako umuutang sa Bombay, pinapautang talaga nya ako, libo-libo kasi nga good payer ako. Sobrang ganda ng kita hanggang sa bandang huli, nalugi. Kumokonti ‘yung laman na hindi naman bumabalik ‘yung puhunan. Sabi kasi ni Robert na siya na lang ang magbabantay ng tindahan. Hindi ko alam na doon pala sila nagse-session kaya ‘yung benta, nauubos. Doon nalusaw lahat. Doon ko nalaman na gumagamit si Robert. Nag lie low muna kami at pumunta kami sa biyenan ko para ilayo din si Robert sa drugs pero ayokong maging responsibilidad kami ng biyenan ko kaya bumalik kami ulit sa Pasig.
Questioning God
Rose: Hindi alam ng ibang anak ko ang pagdrodroga ni Robert pero ‘yung panganay at pangalawa, nararamdaman nila pero wala silang authority para manita.
Noon hinuhulugan ko pa ‘yung tricycle araw-araw. Naipundar ko ‘yun sa kakautang-utang ko sa mga Bombay. Araw-araw ‘yun naniningil pero si Robert, naging iresponsable siya. Naging solution ko na lang na naghahanapbuhay talaga ako para kung wala siyang maiuwi, me pagkain ang mga anak ko. Ayokong dumaing kahit kanino. Ayokong sabihin nila sa akin na nanganak ka ng marami eh, hindi mo pala kaya. Kahit sa mga magulang ko, hindi ko sinasabi. Parang yabang ko na lang sa sarili ko na kaya ko namang buhayin ang mga anak ko, although nahihirapan ako. Deretso lang ang paghahanapbuhay ko kahit manganganak na ako. Ang mga bata tuloy rin sa pag-aaral. ‘Yung mga anak ko, nakikita nila ang paghihirap ko kaya tinutulungan nila ako. Iba-iba ang tinda namin noon. Madaling-araw pa lang namimili na ako.
Robert: Naghihintay na lang siya kung may iaabot ako sa kanya.
Rose: Nag-aaway kami kapag sinasaktan niya ang mga anak namin. Gamit ang kahit anong makuha niyang wire, lalagyan niya ng “X” ‘yung likod ng mga anak niya. Alam kong me galit ‘yung mga anak ko. Tinatanong nila, kung bakit ganun. Ako naman, sasabihan ko si Robert, “Hindi naman ikaw ang bumubuhay sa kanila.” Doon ako talaga nagagalit kasi lahat ng sakripisyo ko, iniisip ko para sa mga anak ko. Sa tuwing namamalengke ako kahit na nabibigatan ako, kapag hawak ko na ang mga pinamili ko, sinasabi ko, para na lang sa mga anak ko ito.“ Kahit anong hirap at bigat, iniisip ko na hindi magugutom ang mga anak ko.
Robert: May guilt feeling din ako. Kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko, hindi ko talaga kayang paglabanan. Basta kapag nagawa ko na ‘yung gusto kong gawin sa kanila, ‘yun na ‘yun, ganun na naman ulit kinabukasan, mga 14 years na ganun.
Rose: May time din na nawala ‘yung love ko kay Robert, pero sabi ko nga ang magiging paghihiwalay lang namin ay kung mamamatay siya. Dumating ako sa point na naisip kong magpakamatay, nakahiga ako, iyak ng iyak. Tinanong ko ang sarili ko kung saan ako nagkulang, bakit ito ang ibinigay Nya sa akin na buhay? Akala ko maiisip ni Robert na magbagong buhay at tulungan ako kasi nakita niya na nagpabaya na rin ako sa sarili ko. Tumigil siya mag-drugs pero nang okay-okay na ulit, hindi ko namalayan na bumalik na naman siya sa pagdra-drugs.
Robert: Kahit ganun, sinisikap pa rin ni Rose na maging intact ‘yung pamilya.
Finding Answers
Rose: Nung time na ‘yun nahihirapan na ako kasi lumalaki na’ng mga anak ko. May nag-iinvite sa akin na miyembro ng Biyaheng Buhay, isang outreach program ng International Charismatic Service sa Mayflower St., Mandaluyong City. Sabi ko, “Sige, kapag may time na lang.” Kasi nga kung pupunta ako dun, maaabala ako. Umaga pa lang may naniningil na sa akin kaya hindi ako tumitigil magtinda. Kapag hindi ako nakabayad ng isang araw, dodoble ‘yun kinabukasan kaya ayokong naiistorbo. Pero everytime na magpi-pray ako, talagang may hinahanap ako. Sabi ko parang may kulang sa’kin. Magigising ako ng madaling araw na nag-iisip na parang hindi sapat ‘yung nakakain na sila at nakapag-aral. May hinahanap ako, may kulang.
Noon ako nag-decide sumama sa Biyaheng Buhay. Sabado ‘yun. Wala akong idea sa Christian fellowship. Akala ko kakanta lang, alive-alive, eh Katoliko ako. May Bible study pala, merong tungkol sa family, paano magi-ging matatag, paano mo aayusin buhay mo. Maganda kasi related sa pinagdadaanan ko. Tapos nag-anounce na merong service sa church kinabukasan. Hindi na ako nagdalawang isip. Nagsimba ako kinabukasan. Pag-enter ko pa lang dun sa church, kanta pa lang, bumigay na ako. Dun na talaga ako nagsumbong, ganun na pala talaga kabigat ‘yung nararamdaman ko, na sasabog na pala ako. Kasi tinago ko lahat, kasi nga wala akong mapagsabihan. Naglakad ako papuntang altar. May lumapit at nag-pray sa akin tapos pakiramdam ko parang ang lapit ko na sa Panginoon. Parang andyan lang Siya sa akin. Sabi ko, ito na pala ‘yun, ito na ‘yung hinahanap ko. Nag-pray ako, Lord, sa Iyo na ako kakapit. Sabi ko wala akong time, ang nangyari ipinagpatuloy ko ang pag-attend.
Isang araw, pinagsulat kami ng limang taong ipapanalangin naming makasama sa church. Active na ako noon sa church. Target ko talaga si Robert, na alam kong wala talaga siyang Diyos sa buhay nya.
Sinulat ko ‘yung pangalan nya, at iba pa. Pero ang iniisip ko talaga kung makakasama ko ba si Robert? December ‘yun nangyari.
Pagdating ng February, nagkasakit si Robert. Dinala ko na sya sa hospital. Parang nasisiraan na siya ng bait. Sabi nya may kumakausap daw sa kanya, matakutin sya, nerbiyoso. Sabi ko, “Dasal ka lang kay Lord.”
After one week, nagkaroon ng medical mission sa church. Niyaya ko si Robert pumunta dun, sabi ko magpa-second opinion pero ang talagang purpose ko ay makatuntong lang siya ng church. Meron akong gustong ipakausap sa kanya sa church. Alumpihit pa si Robert ‘nun. Malapit na kami, nagyaya pa umuwi kasi me lagnat siya noon at nahihilo na. Nag-pray pa rin ako na maisama ko siya. Pagdating sa church, inasikaso siya tapos me kumausap sa kanya.
Robert: Pinagbigyan ko lang si Rose nung araw na ‘yun pero wala akong pakiramdam sa kung ano mang mangyayari kasi medical mission lang naman. Tapos pinatanggap ako ng isang kapatid. Kinabukasan, Sunday, merong service sa church at niyaya ako ni Rose. Pagtungtong ko doon ay naramdaman ko ang presensiya ng Panginoon. Doon biglang nagbago ang lahat. Talagang for the first time sa buong buhay ko, doon lang ako umiyak. Sabi ko, ano ito? Bakit ngayon ko lang naramdaman ito? Noon ko lang nakita ‘yung mga kasalanan ko, ‘yung mga pagkukulang ko. ‘Yung mga ginawa ko kay Rose, iniyak ko ‘yun ng iniyak. Ibinuhos ko na lahat. Nagsisisi na rin ako. Humingi na rin ako ng tawad sa kanya. Doon nag-umpisang magbago ang lahat. Instantly nawala ‘yung pagnanasa ko sa drugs. Talagang purihin ang Panginoon.
Matapos ‘yun, nagpatuloy kami sa church. May care group kami, nagpa-baptize na rin kami pati ‘yung mga anak namin. ‘Yung mga anak ko, hindi ko na magawang saktan. Humingi rin ako ng tawad sa kanila. Bumalik na rin ang pagmamahal sa akin ng panganay ko. Nagkukwentuhan na kami. Dati isinusumpa na nya ako. Sabi nya, “Bakit hindi pa ‘yan mamatay-matay na para matapos na ang paghihirap natin?”
Inayos rin ni Lord ang katawan ko. Kasi nga naging high blood ako, nagkaroon na ako ng GERD, namamaga na ang kidney ko pero lahat ‘yun nawala.
Rose: Lahat ng gawain sa church napupuntahan ko. Si Robert na ang namamalengke. Siya na rin ang nagtitinda. ‘Yung mga hindi nya dati ginagawa, ginagawa na niya. Maraming naging blessing si Lord sa amin.
Dati hindi kami marunong mag-pray. Kakain kami, kanya-kanya lang. Ngayon, palagi lang kaming nagpre-pray. Pati ‘yung 3-year old namin, marunong na rin mag-pray. The best na nangyari sa amin, nagkaroon kami ng kapayapaan at naging sobrang masaya kami. Ngayon nag-aaral kami ng Word of God sa church.
Iba talaga, kasi dati kahit nagsisikap ka, kahit anong sikap mo walang joy, walang peace of mind, iintindihin mo agad, paano bukas… Ngayon, sinabi namin kay Lord na kung ano man ang gusto Niyang ipagawa sa amin, gagawin namin.
Relasyon pala sa Panginoon ang kailangan talaga. Ngayon, nagli-lead na rin kami ng sariling care group namin.